Sa tuwing may eksena sa "FPJ's Ang Probinsyano" si 'Lola Flora', ang karakter na ginampanan ng yumaong 'Queen of Philippine Movies' na si Susan Roces, madalas ay nasa kaniyang tabi at ka-eksena ang sidekick na si 'Yolly' o ginagampanan naman ng character actress na si Malou Crisologo.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/25/malou-crisologo-bagong-queen-of-primetime-bida-daw-bakit-kaya/">https://balita.net.ph/2022/01/25/malou-crisologo-bagong-queen-of-primetime-bida-daw-bakit-kaya/

Isa siya sa mga naapektuhan ng balitang pagpanaw ni Tita Swannie noong Biyernes ng gabi, Mayo 20. Lahat ng mga co-star sa kanilang teleserye, kabilang ang bida at direktor na si Coco Martin, ay nagbigay-pugay na rin sa beteranang aktres.

Sa kaniyang Instagram post nitong Mayo 21, ibinahagi ni Malou ang litrato ni Susan habang hinihilot siya sa sentido ng isa sa mga sumikat na child star sa serye na si 'Onyok' (Onyok Pineda).

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

"Pagmamahal ni Onyok kay Lola Flora," saad sa caption ng IG post.

Nagkomento naman dito ang gumaganap na kapatid ni Lola Flora na si Jaime Fabregas (Lolo Delfin).

"Ang lungkot, Malou!!" aniya.

"Sobra Tito Jim," komento naman ng aktres na napapanood din sa 'The Broken Marriage Vow'.

Sa isa pang IG post, ibinahagi naman niya ang litrato sa burol ng mga labi ni Susan.

"Hanggang sa muling pagkikita Tita Su. Mahal na mahal po kita," aniya.

Nagkomento naman dito ang isa ring character actress na si Ruby Ruiz.

"Malou you've worked with her closely, my deepest condolences," aniya.

Si Agot Isidro naman, si Malou raw ang unang naisip nang mabalitaan ang pagpanaw ni Susan.

Samantala, sa Instagram account na @cocomartin_ph, pinasalamatan at binigyang-pugay ni Cardo Dalisay ang kaniyang Lola Flora.

"Mahal na mahal kita Lola. Maraming salamat po sa lahat ng biyaya, pag gabay at pag aruga. Nabuo ako, dahil sa pagmamahal mo. Hindi kita makakalimutan. Nasa puso at nasa isip kita habangbuhay. Mahal po kita!" saad sa caption ng IG post ni Coco Martin.

Bumaha rin ng mensahe ng pagpupugay at pakikiramay ang mga netizen sa comment section.

Sa edad na 80, ang showbiz icon ay nakapaghakot na rin ng hindi mabilang na pagkilala at parangal kagaya ng mga pelikulang inambag sa bansa. Siya ang maybahay ng yumaong 'King of Philippine Movies' na si Da King Fernando Poe, Jr.