Kuwelang ibinahagi ni Mariel Rodriguez-Padilla ang experience niya kasama ang anak na si Isabella sa isang water ride na kung saan wala siyang choice kundi basain ang kaniyang mamahaling sneakers at inihalintulad pa niya ang sarili kay Vice President Leni Robredo.

Sabi ni Mariel na daig pa raw niya ang Aegis na 'Basang-Basa sa Ulan' dahil naligo na raw siya sa water ride na sinakyan nila ng kaniyang anak.

"My ulirang ina moment!!! This trip is for my kids so everyday we go from one theme park to another. I was not prepared for a water ride. Isabella badly wanted to ride this one… daig ko pa ang Aegis na basang basa sa ulan!!!!" sey ni Mariel.

"As in talagang shower na matindi… shampoo na lang ang kulang!!! Ofcourse i had extra clothes for Isabella from panty to socks complete because OA mom ako hahahha but for me… nothing!!!" dagdag pa niya.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Nabanggit din niya ang ginawang pagpaplantsa ni Vice President Leni Robredo.

"Kung si VP Leni nag plantcha para sa daughter niya… ako linaban ko sa basa ang chanel sneakers ko! Its a tie!" sey ng aktres.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang pagpaplantsa ni Robredo ng toga ng kaniyang anak na si Jillian para sa graduation nito.

Dagdag pa niya, hindi na rin daw niya ma-live selling ang sneakers niya dahil nabasa na nga ito.

Matatandaang naging usap-usapan ang bonggang-bonggang live selling ni Mariel sa kaniyang mga mamahaling bags at maging shoes, na talaga namang dinagsa ng miners, noong Marso 15 ng gabi.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/03/16/mariel-mas-hinihimas-pa-raw-ang-bags-at-sapatos-kaysa-kay-robin-live-selling-dinagsa-ng-miners/

Ayon kay Mariel, bagsak-presyo na ang mga item na kaniyang itininda, na karamihan ay nabili niya noong ‘hoarding days’ pa niya. ‘Pikit-mata’ na nga lang daw siya dahil ang ilan sa mga ibinebenta niya ay may sentimental value pa, na ang iba ay limited edition pieces pa.

Hindi lamang sa Pilipinas ang miners ni Mariel kundi maging sa ibang bansa pa. Free shipping na nga ang offer niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/04/13/ano-nga-ba-ang-nag-udyok-kay-mariel-rodriguez-padilla-para-mag-live-selling/