Handa na ang Kongreso para sa paglilipat ng mga certificates of canvass (COCs) at election returns (ER) para sa nalalapit na proklamasyon ng mga nanalo sa pagka-pangulo at pagka-bise presidente.
Inaasahang mailipat na sa Batasan Pambansa complex ang mga nasabing COCs at ER sa Lunes, Mayo 23.
Nilinaw naman ni SenateSeargeantat Arms Gen. Rene Samonte, ililipat sa Kamara ang mga ballot box pagsapit ng 4:00 ng madaling araw.
Babantayan ng mga pulis ang mga COCs upang matiyak ang seguridad habang dinadala sa Batasan Complex.
Suspendido muna ang mga aktibidad ng Senado ngayong linggo upang pagtuunan muna ng pansin ng Kongreso ang canvassing.
Ipagpapatuloy din ang pagtanggap ng COCs mula 8:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi sa Mayo 24 hanggang sa mai-turnover ang lahat ng COC at ER.
Sa rekord ng pamahalaan, aabot na sa 156 o 90.17 percent ng kabuuang 173 COCs ang hawak ng Senado, kabilang na ang mga nagmula saSulu Province, at COCs mula Washington, USA, Australia, Denmark, Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia, Switzerland at Brunei.
Sa batas, tungkulin ng Kongreso na i-canvass ang mga boto sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo at iproklama ang mga nagwaging kandidato.