Hindi makapaniwala ang buong koponan ng Gilas Pilipinas nang matalo sila ng Indonesia, 85-81, sa finals sa kauna-unahang pagkakataon mula noong 1989.
Sa laban ng Gilas at Indonesia sa Tranh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam nitong Linggo, ginamit ng huli ang kanilang outside shooting at second chance opportunities kaya nila nahablot ang gold medal sa mga Pinoy.
Dahil sa pagkatalo, nakapag-uwi na lamang ng silver medal ang Gilas Pilipinas.
Nagawa pa sanang maitabla ng Gilas ang laban, 81-79, at maipuwersa sa overtime, anim na segundo na lang ang natitirang oras sa laban. Gayunman, hindi na nila nagawa.
Bukod kay June Mar Fajardo, isinama rin sa koponan ang PBA player na si Matthew Wright at dalawa pang manlalaro ng Japan B.League na sina Kiefer at Thirdy Ravena sa pag-asang maidepensa sana ang kampeonato.
Matatandaang muntik na ring matalo ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Thailand, 76-73, sa pagsisimula pa lang ng kumpetisyon kamakailan.
Jonas Terrado