Matagumpay na naidaos ang UAAP Cheerdance Competition 2022 ng Season 84 sa SM Mall of Asia Arena ngayong Mayo 22, 2022, matapos ang pansamantalang paghinto dahil sa pandemya.

Naglaban-laban sa #UAAPCDC2022 ang Ateneo Blue Eagles, National University (NU) Pep Squad, University of the Philippines (UP) Pep Squad, Far Eastern University (FEU) Cheering Squad, Adamson Pep Squad, De La Salle University (DLSU) Animo Squad, University of the East (UE) Pep Squad, at University of Santo Tomas (UST) Salinggawi Dance Troupe.

Hindi nagtagumpay ang two-time defending champion na NU Pep Squad na maiuwi ang kampeonato, subalit sila naman ang itinanghal na second runner-up.

Hatol ng PBA kay John Amores, pinutakti ng fans; kaso ni Abueva, ikinumpara!

https://twitter.com/nupepsquad/status/1528238351736012800

Adamson Pep Squad naman ang itinanghal na first runner-up.

https://twitter.com/adamson_u/status/1528333565318283264

At matapos ang 13 taon, ang itinanghal na kampeyon ay ang FEU Cheering Squad.

https://twitter.com/OneFEU/status/1528328511563644928

Isa sa mga pumuri at proud sa kaniyang Alma Mater si Unkabogable Star Vice Ganda. Malinis daw ang nagging performance ng squad.

"O tahkayoooo!!! Kavogue ang FEU!!! Kahit madumi mga pagkain sa Hepa Lane malinis ang performance! #UAAPCDC2022," aniya.