Maging si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ay nagpaabot na rin ng pakikiisa sa pagluluksa ng showbiz industry at pakikiramay sa pamilya ng "Queen of Philippine Movies" na si Susan Roces.

Si Roces, o Jesusa Sonora Poe sa tunay na buhay, ay sumakabilang-buhay noong Biyernes ng gabi sa edad na 80.

“Taos-pusong nakikidalamhati ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa pagpanaw ni Ms. Susan Roces na tinaguriang ‘Queen of Philippine Movies,’” ayon kay Domagoso nitong Sabado.

Binigyang-pagkilala rin ni Domagoso si Roces dahil sa pagiging tunay na ‘timeless icon’ ng bansa at hindi matatawarang kontribusyon nito sa Philippine movie and television industry.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Tunay na isang timeless icon ng bansa si Ms. Susan Roces na kilala rin sa tawag na Manang Inday ng malalapit na kaibigan tulad nina Kuya Germs at Manay Ichu Maceda.It was a great show. Maraming salamat po sa hindi matatawarang kontribusyon sa pinilakang tabing at telebisyon,” aniya.

Ani Domagoso, na bahagi rin ng showbusiness, si Roces ay malaking kawalan sa industriya ng pelikula at telebisyon.

“My thoughts and prayers are with the Poe family during this extremely difficult time. Kapag nagkita po kayo ni Ninong FPJ sa langit, please say "hi" and give a warm hug as well. Rest in peace, Ninang Susan,” aniya pa.