Ikinaantig ng netizens ang encounter ni Jell-o Gutierrez, dating batang nasa likod ng lumang P500 bill, kay Vice President Leni Robredo sa New York.

Kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Robredo kasama ang kanyang tatlong anak para sa kauna-unahang bakasyon nito mula nang pumanaw ang asawang si dating Department of Interior Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo noong 2012.

Naging laman din ng mga balita kamakailan ang matagumpay na pagtatapos ng bunsong anak na si Jillian sa prestihiyusong New York University (NYU) sa parehong Degree in Mathematics and Economics.

Dahil dito, ilang mga Pilipino sa banyagang bansa ang nagbahagi ng kani-kanilang encounter kay Robredo kabilang na si Jell-o Gutierrez. Nakasalubong ni Jell-o ang Pangalawang Pangulo sa Central Park sa Manhattan, New York, Sabado.

Trending

Tikiman time! Kakasa ka bang kainin ang Pomegranate?

Hindi naman pinalagpas ng Kakampink ang magkaroon ng selfie kasama ang tinitingalang opisyal.

“Thank you for being so approachable and kind! God bless you!” mababasa sa caption ni Jell-o sa larawan nila ni Robredo sa isang Facebook post, Sabado.

Isang larawan naman ng usapan ni Jell-o ang ibinahagi ng dating Dean nito na si Gabby Lopez ang ikinaantig ng netizens.

Si Jell-o pala ang batang makikitang nag-abot ng bulaklak sa mga unipormadong opisyal noong panahon ng Batas Militar noong 1970’s sa likod ng iconic P500 banknote.

Dating P500 banknote/Larawan mula Bangko Sentral ng Pilipinas

Taong 2016 nang simulang palitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng bagong disenyo kasama ng iba pang Philippine peso bank notes ang P500.