Nadagdagan pa ng 191 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

Sa pahayag ng DOH, nasa 2,252 na ang kabuuang active cases ng sakit nitong Mayo 22.

Pagbibigay-diin ng ahensya, kabilang sa panibagong kaso ang 55 mula sa National Capital Region.

Sa pagkakadagdag ng 191 na kaso, umabot na sa 3,688,941 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa.

Binanggit din ng DOH na umabot na rin sa 60,455 ang binawian ng buhay sa Covid-19 at 3,626,234 naman ang nakarekober sa karamdaman.

Metro

Mga tambay na sumalisi ng mga kargamento sa truck, huli sa video!

Matatandaang naitala ng Pilipinas ang unang kaso ng sakit noong Enero 30, 2022 nang ma-detect ito sa isang Haponesa na dumating sa bansa mula sa Wuhan City sa China kung saan namang pinaniniwalaang unang nadiskubre ang sakit.