Nadagdagan pa ng 191 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Pilipinas, ayon sa pahayag ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.
Sa pahayag ng DOH, nasa 2,252 na ang kabuuang active cases ng sakit nitong Mayo 22.
Pagbibigay-diin ng ahensya, kabilang sa panibagong kaso ang 55 mula sa National Capital Region.
Sa pagkakadagdag ng 191 na kaso, umabot na sa 3,688,941 ang kabuuang Covid-19 cases sa bansa.
Binanggit din ng DOH na umabot na rin sa 60,455 ang binawian ng buhay sa Covid-19 at 3,626,234 naman ang nakarekober sa karamdaman.
Matatandaang naitala ng Pilipinas ang unang kaso ng sakit noong Enero 30, 2022 nang ma-detect ito sa isang Haponesa na dumating sa bansa mula sa Wuhan City sa China kung saan namang pinaniniwalaang unang nadiskubre ang sakit.