Nabigo ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na maabot ang puntiryang koleksyon nito sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa pahayag ng Department of Finance (DOF) nitong Linggo.

Sinabi ng DOF, nasa P485.4 bilyon lang ang nakolekta ng BIR sa nasabing panahon, mas mababa ng P47.2 bilyon sa P532.6 bilyong target na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC).

Depensa naman ni BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, ito ay resulta ng paggamit ng mga negosyo sa kanilang input VAT credits sa mga pagbili alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Naiulat naman ng BIR na kapos ng P17.4 bilyon ang kanilang VAT collections at P9.4 bilyon naman sa income tax collections mula Enero hanggang Marso ng taon.

National

VP Sara, suportado batas kontra ‘anti-dynasty:’ Ako yung pinakamagaling sa political dynasty!

Matatandaang nakakolekta ang BIR ng P2.086 trilyon noong 2021, mas mataas ng 0.25% sa kanilang collection target at mas mataas ng 6.94% kumpara sa P1.951 trilyong nakolekta noong 2020.