Napatay ang isang tindera ng gulay matapos barilin ng isang lalaki sa Barangay Central East, Bauang, La Union kamakailan.

Dead on arrival sa ospital ang biktimang kinikilala pa ng pulisya, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Hindi pa isinasapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek na nahuli ng mga pulis sa ikinasang follow up operation sa naturang lugar.

Sinabi ni Bauang Police chief, Maj. Cresencio Abila, naka-angkas sa kolong-kolong tricycle ang biktima nang pagbabarilin ng dalawang lalaki.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Sa inisyal na pagsisiyasat, nadamay lang ang biktima dahil ang puntirya ng suspek ay ang driver ng kolong-kolong na pinagseselosan umano ng suspek.

Sinampahan na ng kasong murder at attempted murder ang suspek.