Ibinahagi ng aktres na si Ryza Cenon ang kaniyang experience bilang isang nanay na kung saan nakarelate rin ang kapwa niyang mga nanay.
"After mo magpakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka nalang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit," sey ni Ryza sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Mayo 20.
"Relate din ba kayo mga mommies? Kung nakakarelate kayo isang mahigpit na yakap sa inyo mga mommies!" dagdag pa niya.
Ipinanganak ni Ryza ang kaniyang baby boy na si Night noong Oktubre 31, 2020.
Sa nasabing post, nakarelate naman ang kapwa niyang mommies. Narito ang ilang komento nila."Relate pero hindi makarelate sa kafreshan mo kahit nagawa mo na lahat yarnnn."
"Relate po. Pero hindi ako kasing ganda mo pag napagod."
"Ang unfair lang mommy ryza, kasi ikaw ang ganda pa din pag nakatulala. Pag ako kasi pang entry na sa mental hospital ang ichura pag pagod eh"
"Sobrang Relate!!! Pahirapan pa umihi dahil baka magising si baby pag gumalaw ka, lalo na pag nakatulog na nakasanday sayo"
"Pag nanay ka lahat ng gawain sa bahay tatapusin mo kahit pagod n pagod kana"
"Mommy Ryza relate na relate araw2 gnyan ang routine ko.gusto ko nga tpusin ko muna lahat ng gawain ko bago umupo kaso d nauubos ang trabho.lalo na kung masasabay pa un laba at tupi ng mga damit.minsan mapapaiyak ka pa nga ksi parang walang katapusan ang trabho.pero Nanay tyo laban lng ng laban.sa araw2"
"Sobrang relate kc may anak akong 20 months old na sya super Kulit na tlg kaso sana ganyan din ako kaganda at ka fresh kpg mapagod. Ito kc muka ko kpg pagod na mukhang ewan"
"Relate much po lalo na xa akin kambal pa.. Pero kahit pagod yarn maganda ka Parin bat aq d ganyan"
"Bakit ganon ang ganda mo mapagod. Ako noon mukhang mandirigma."
"sana all ganyan kaganda after magpakain, magpaligo at magpatulog ng anak."
"Relate much po pero hindi po tulad sayo pagod na pero maganda parin, ako pag pagod parang hindi maintindihan Ang sarili"
"Relate po ako subrang nakakapagod mam ryza pero ang ganda nyo nmang mapagod mapapa sana all nlng malayo yong mukang pagod mo ang ganda ganda mo"
"related po ako dahil kahit sobrang hirap maging ina pero anjnan yung ngiti ng mga anak natin pg anjn sla nawawala ang pagod ng ina"