Mula ngayong Sabado, Mayo 21, nasa 99.9 percent ang ipinakitang average overall accuracy rate ng random manual audit (RMA) para sa posisyon ng pangulo, pangalawang pangulo, senador, party-list, kongresista, at alkalde, ayon sa pinakahuling ulat ng Commission on Elections (Comelec).

Ang mga sumusunod ay partikular na running accuracy rate mula ika-4 ng hapon ngayong Sabado:

  1. President: 99.9721 percent
  2. Vice President: 99.9469 percent
  3. Senator: 99.9759 percent
  4. Party List: 99.7954 percent
  5. Member, House of Representatives: 99.9580 percent
  6. Mayor: 99.9422 percent

Sa kabuuan, nagpakita ito ng 99.93175% para sa 128 o 16.91% sa kabuuang 757 sample clustered precints.

“The computation of the preliminary accuracy rate is based on the marks and votes casted per position, as encoded by the Philippine Statistics Authority (PSA). The average accuracy rate is computed using the percentage rate per position as addends, then divided by 6.”