Pinaalalahanan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na laging maghanda para sa posibleng pagdating ng kalamidad.
Ayon sa MMDA, hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng kalamidad kaya mainam na lagi tayong handa.
Mahalagang nakahanda ang first-aid kit at emergency Go Bag na naglalaman ng basic supplies na kakailanganin ng bawat pamilya kung magkaroon ng emergency na dulot ng mga kalamidad tulad ng malakas na bagyo, pagbaha, at lindol.
Marapat na ilista ang emergency hotline numbers at alamin kung saan maaaring magtungo sakaling may abiso ang mga kinauukulan ng paglikas sa inyong lugar.
Paalala pa ng ahensya maging alisto at handa para sa kaligtasan ng lahat.