Malaking kawalan ang pagpanaw ng "Queen of Philippine Movies" na si Susan Roces hindi lamang sa local entertainment industry kundi sa lahat ng mga Pilipino na labis na nagmamahal sa kaniya, ayon sa Malacañang.
Nagpaabot ng pakikiramay ang Palasyo sa pamilya, mahal sa buhay at malalapit na kaibigan sa pagpanaw ng batikang aktres.
“Ms. Roces was the Queen of Philippine Movies and her death is truly a big loss not only to the local entertainment industry but to all the people whose lives the beloved icon had touched and affected,” ayon kaySec. Martin M. Andanar,Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson
“Our thoughts and prayers are with Ms. Roces and her family as we pray for the eternal repose of her soul,” dagdag pa niya.
Matatandaang kinumpirma ni Senador Grace Poe nitong Biyernes ng gabi ang malungkot na balita sa pagpanaw ng kaniyang adoptive mother.
"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends," ani Poe.
"She lived life fully and gracefully. Remember her in her beauty, warmth and kindness. She is now with the Lord and her beloved Ronnie — FPJ. We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure," dagdag pa ng senadora.Si Susan, 80, ay biyuda ng namayapa na ring King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr.
Kabilang sa napakaraming pelikulang ginawa ni Susan ay ang “Perlas ng Silangan,” kasama si FPJ noong 1969 at “Daigdig Ko'y Ikaw” noong 1965.
Bukas naman sa publiko ang burol ng namayapang movie icon, na kasalukuyang nakalagak sa Heritage Park, Taguig City. Magsisimula ang public viewing ngayong araw, Mayo 21, mula 6:00 hanggang 10:00 ng gabi.
Mula bukas, Mayo 22 hanggang Martes, Mayo 24, ang public viewing ay mula 10:00 ng umaga hanggang 10:00 ng gabi.
Matutunghayan naman sa Zoom ang araw-araw na pamisa para sa kaniyang kaluluwa.. Wala pang malinaw na detalye tungkol sa kaniyang libing.
Ipinapaalala naman sa publiko na sundin ang health protocols kapag pupunta sa burol ng namayapang aktres.