Napilitan ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) na magpatupad ng limitadong operasyon nitong Sabado ng hapon dahil sa naranasang aberya ng kanilang linya.
Dakong alas-2:35 ng hapon nang unang nagpaabiso ang Light Rail Manila Corporation (LRMC) na hinggil sa problema sa kanilang switch sa area ng Balintawak, Quezon City dakong alas-2:35 ng hapon.
“As of 2:35 PM, May 21, 2022 - ️ A 25kph speed restriction has been put in place in Balintawak. Technician is already on the way working the fault of affected switch. Please allow additional travel time of about 8 minutes,” anang LRMC.
Pagsapit ng alas-2:43 ng hapon ay nagpatupad na ang LRT-1 ng ‘stop for safety’ sa Balintawak.
Pagsapit naman ng alas-3:05 ng hapon ay napilitan na ang pamunuan ng rail line na magpatupad ng limitadong operasyon mula Baclaran sa Parañaque City hanggang Monumento sa Caloocan City at pabalik lamang.
“UPDATE: As of 3:05 PM, May 21, 2022 - ️ Limited operations for LRT-1. Trains run only from Baclaran to Monumento and vice versa. Our Engineering Team is already onsite working to resolve the issue. Apologies for the inconvenience. Thank you for your patience,” advisory ng LRMC.
Pagsapit naman ng alas-4:15 ng hapon ay naayos din ang problema at naibalik sa normal ang operasyon ng LRT-1.
“UPDATE: As of 4:15 PM, May 21,2022 - We are Green and Go on all 19 stations of LRT-1. Ingat po sa biyahe!” anunsiyo ng LRMC.
Ang LRT-1 ay bumabaybay mula Roosevelt, Quezon City hanggang sa Baclaran.