CAMP DANGWA, Benguet – Limang drug personalities, kabilang ang isang Regional Top Most Wanted Person, isang health worker volunteer ang nadakip sa magkakahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng pulisya laban sa illegal drugs sa rehiyon ng Cordillera.

Iniulat ni Col.Peter Tagtag, Jr., provincial director ng Kalinga Provincial Police Office, ang pagkakadakip sa tinaguriang Regional Top 10 Drug personalities na si Gian Vincent Malannag Dela Cruz,29, ng Junction Nambaran, Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay Tagtag, isinagawa ng buy-bust operation dakong alas 3:30 ng hapon ng Mayo 20 ng magkasanib na tauhan ng pulisya sa Purok 7 Bakras, Bulanao Centro, Tabuk City, Kalinga.

Nakuha sa suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng shabu na may timbang na 3.0 grams at may halagang P20,400.00.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Natimbog naman ng Baguio City Police Office ang isang health worker volunteers sa sideline nitong pagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation Abanao Extension, Rizal Monument, Baguio City.

Kinilala ang nadakip na si Rey Christopher Navarro Abero, 38, volunteer health worker, ng San Vicente, Ilocos Sur.Ibinenta ng suspek sa nagpanggap na buyer ang isang heat-sealed transparent plastic sachet ng shabu na may timbang na 0.5 grams sa halagang P3,400.00 at isa pang plastic sachet ng shabu na 0.4 grams na may halagang P2,720.00 (possession).

Iniulat din ng Police Regional Office-Cordillera ang pagkakadakip pa ng tatlong drug personalities na sinaIbalzon Cadangen, 37; John Ariam Paul Magramo Magro, 28 at Joemamil Valera Dipatuan, 37.

SiIbalzon ay nasakote ng BCPO at PDEA na nahuli habang ibinebenta ang 0.79 gramo ng shabu sa halagang P5,372.00 at karagdagang 0.74 gramo ng shabu na may halagang P5,032.00 na nakuha sa kanyang katawan.

Sa Pudtol, Apayao, ay nadakip si Magro na nahulihan ng 0.14 grams sa halagang P1,000.00, samantalang si Dipatuan ay nadakip naman sa La Trinidad, Benguet at nahulihan ng tatlong plastic shabu na may timbang na 0.52 grams sa halagang P3,536.00.