Agad na naglabas ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng 'Kapuso Mo Jessica Soho' upang linawin ang kumakalat na isyu tungkol sa isang layout sa background ng episode na 'Bahay Mo Boto' ng naturang award-winning news magazine show, kung saan makikitang tila naapakan ng host nitong si Jessica Soho ang mukha ni presumptive President Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr.

Ang 'Bahay Mo Bato' episode ay tungkol sa magkapitbahay na magkaiba ang sinusuportahang kandidato. Ang unang bahay ay maka-Leni Kiko at ang pangalawa naman ay panig sa UniTeam. Ngayong tapos na ang halalan ay muli silang kinumusta ng KMJS Team.

Napansin ng mga netizen na tila nasa mukha ni BBM mismo ang kanang paa ni Jessica Soho.

Tsika at Intriga

'DJ,' nabanggit ni Kathryn Bernardo sa Family Feud

Larawan mula sa FB/Kapuso Mo Jessica Soho

Agad namang naglabas ng opisyal na pahayag ang KMJS tungkol dito.

"Nakarating sa aming kaalaman ang puna sa pagkaka-layout ng spiels sa isang segment ng Kapuso Mo, Jessica Soho na umere nitong nakaraang Linggo. Kinuhanan ng camera si Jessica Soho sa harap ng chroma background o green screen para sa kanyang spiels. Wala po siyang kinalaman kung paano ni-layout ang graphics at imahe niya sa pag-edit."

"Humihingi po kami ng paumanhin sa insidenteng ito. Nire-review namin ang aming proseso upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari. Naka-upload na rin ang nirebisang layout ng spiels. Makakaasa kayong mananatiling tapat ang KMJS sa paghahatid ng makabuluhan at patas na mga kuwento. Maraming salamat po."

May be an image of text
Larawan mula sa FB/Kapuso Mo Jessica Soho

Matatandaang sa kasagsagan ng isinagawang panayam ng GMA News and Public Affairs sa presidential candidates, hindi nagpaunlak si BBM dahil 'biased' umano ang award-winning journalist.

“Pinagbabasehan ko lang yung karanasan ko, ‘yung experience ko in the last few years, hindi lang ako, pati na ‘yung kapatid ko, pati na basta may kinalaman sa Marcos, talagang may bias talaga, ang pakiramdam ko,” pahayag noon ng dating senador at presumptive President na ngayon, sa isang panayam.