Nag-iwan ng madamdaming mensahe si Senador Grace Poe sa pagpanaw ng kanyang adoptive mother at tinaguriang “Queen of Philippine Movies” na si Susan Roces ngayong Biyernes, Mayo 20.

Sa post ng senadora sa kanyang social media accounts, sinabi nitong kahit malungkot ang pagpanaw ni Susan Roses ay mapayapang sumakabilang-buhay ito na napapaligiran ng mainit na pagmamahal mula sa kanyang anak, mga pamangkin, at marami sa kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

"With great sadness, we announce the loss of our beloved Jesusa Sonora Poe, whom many of you know as Susan Roces. She passed away peacefully on a Friday evening, May 20, 2022, surrounded by love and warmth, with her daughter Grace, her nephews Joseph and Jeffrey and many of her family and close friends," pahayag ng senadora.

BASAHIN: Showbiz icon Susan Roces, pumanaw na

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ani Poe, namuhay si Susan Roses nang maayos. Maaalala ng publiko ang aktres sa taglay nitong kagandahan at kabaitan.

Aniya, ngayon ay kasama na niya ang Panginoon at ang kanyang pinakamamahal na si Ronnie — si FPJ.

"We will miss her sorely but we celebrate a life well lived. Susan Roces — daughter, mother, grandmother, a true Filipina and a national treasure," mensahe ni Poe sa kanyang adoptive mother.

Matatandaan na bago tumatak ang karakter ni Susan sa seryeng FPJ’s Ang Probinsyano, ang beteranang aktres ay marami na ring ginampanang karakter sa totoong buhay.

Sa edad na 80, ang showbiz icon ay nakapaghakot na ng hindi mabilang na pagkilala kagaya ng mga pelikulan inambag sa bansa.

Ang kanyang karera ay nagsimula noong 1952 nang unang bumida sa pelikulang “Mga Bituin ng Kinabukasan.”