Magpapatupad na naman ng dagdag-presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Mayo 24.

Sa pagtaya ng industriya ng langis, posibleng tataas ng ₱4.10 hanggang ₱4.50 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang bababa ng ₱2.40 hanggang ₱2.50 ang presyo ng kerosene at ₱2.30 hanggang ₱2.50 naman ang itatapyas sa diesel.

Ito ay bunsod lamang ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Nitong Mayo 17, huling ini-rollback sa ₱3.10 ang presyo ng diesel, ₱2.10 sa presyo ng kerosene at ₱0.40 naman sa presyo ng gasolina nito.