Inaresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang South Korean national na pinaghahanap sa kanilang bansa dahil sa umano'y panloloko sa isinagawang follow-up operation sa Las Piñas City.

Kinilala ang mga ito na sina Seol Kwangsu, 33, at Han Haneul, 28. Naaresto sila bandang alas-10 ng gabi noong Mayo 19 sa Barangay Almanza Dos.

“Both individuals are listed in the Interpol Red Notice for the alleged crime committed in their home country,” said Police Lt. Gen. Vicente Danao, officer-in-charge of the Philippine National Police,” ani Police Lt. Gen. Vicente Danao, officer-in-charge ng Philippine National Police.

Sinabi ni Danao na ang operasyon ay batay sa impormasyong ibinahagi ng Korean Desk at Fugitive Search Unit ng Bureau of Immigration (BI) na naglunsad ng operasyon sa Barangay Almanza Dos at naaresto ang mga dayuhang napagbintangan ng Fraud.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“The arrested Koreans are under the custody of the Bureau of Immigration for proper disposition. This was made through an implementation of an arrest warrest against these two suspects,” ani Danao.

Aaron Recuenco