Kakailanganin pa ng pamahalaan ang ₱30 bilyon hanggang ₱40 bilyong pondo upang sumapat ang suplay ng bigas sa bansa at maiwasan ang bantang krisis sa pagkain.

Paglalahad ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary Fermin Adriano, ito lamang ang tanging paraan upang hindi na maranasan ang napipintong kakapusan ng pagkain sa Pilipinas sa huling anim na buwan ng taon.

Masyado aniyang naapektuhan ang mga magsasaka sa tumataas ng presyo ng mga pataba at produktong petrolyo, dagdag pa ang pagtama ng pandemya sa Pilipinas at giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Ang food crisis, maaaring maramdaman towards the end of the year. Nagbibigay kami ng warning sa next administration, hindi natin alam kung sasapat ang supply ng bigas sa second half ng taon. Kapag hindi tayo nagbigay ng ayuda sa mga magsasaka para sa fertilizer, baka magkaproblema,” babala ng opisyal.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Dahil dito, posible aniyang magkaroon ng pagliit ng aning palay na aabot sa 1.1 milyon metriko tonelada.

Iminungkahi rin ni Adriano na maglaan ang gobyerno ng ₱30 hanggang ₱40 bilyong pondo upang matiyak na magiging sapat ang suplay ng bigas sa bansa.

Isinusulong din aniya ng DA na maglaan ng mas malaking produksyong binhi na ipamamahagi sa mga magsasaka.