Usap-usapan ngayon sa social media ang isang tagasuporta umano ni Presumptive President Bongbong Marcos Jr. matapos na magpanggap itong Kakampink para makadaupang-palad ang dalawang tunay na Kakampink at mismong si Vice President Leni Robredo sa New York City.

Maliban sa ulat ng masayang pagtatapos ng bunsong anak ni Robredo na si Jillian sa prestihiyusong New York University (NYU) kamakailan, umani rin ng atensyon sa social media ang isang nagngangalang Ernest Bahala nang magkaroon ito ng interaksyon sa pangalawang pangulo sa Amerika.

Pagsasalaysay ng dalawang tunay Kakampink, ang naturang Pilipino ay nagpakilalang Kakampink dahilan para makasama nila ito habang inaabangan si Robredo sa labas ng Radio City Music Hall kung saan ginanap ang baccalaureate ceremony ni Jillian.

“We are NOT friends. We didn't know that he's this type of guy. He pretended to be a Kakampink and mingled with Maan and me. Nagpanggap pa siyang very excited to see our beloved VP. That's why I'm really surprised to see all his FB posts. Kung alam ko lang, hinding hindi ko siya hahayaang makalapit kay VP Leni,” anang Kakampink na si Pau Palestroque na nagulat na lang sa malisyusong mga Facebook post ni Bahala.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa burado nang larawan kasama si Robredo na ibinahagi ni Bahala sa isang Facebook post, mababasa ang caption nitong tila nagpapahiwatig ng marangyang pamumuhay ni Robredo dahil sa Balenciaga nitong bag at bitbit na Hermes box.

Makikita rin ang mga dokumentadong larawan sa hiwalay na Facebook post ni Bahala sa pagsakay ng subway train ni Robredo kasama ang mga anak.

“Na shock ako! Nag-pretend po siyang kakampink na super excited po niya at nag abang din siya kay VP leni. Hindi ko po kilala yan nakita lang po namin siya doon na nag-aabang kay Madam VP,” pagsasalaysay ni Maan Joy Manalang.

“Sir, bakit po na mention niyo yung Balenciaga and Hermes? Knowing sa akin po galing yung paper bag na orange....(if you're trying to show na extravagant ang VP namen!” dagdag ng Pinay Kakampink sa New York.

Dahil sa insidente, ilang netizen ang nagpahayag ng pagkabahala sa seguridad ni Robredo. Nanawagan din maging ang abogadong si Jesus Falcis dahil bukod sa umano’y maituturing na stalker si Bahala ay naiulat pang 14 na taon na itong illegal immigrant sa Amerika.

“Choices have consequences.No sympathies or pity,” ani Falcis.

Nauna nang nagbigay ng reaksyon si Robredo na tila ipinagkibit-balikat lang ang insidente.

"Pati yung regalo ni Maan na Hermes paper bag, naka-extra," komento ni Robredo sa Facebook post ni Pau.