May patutsada si Teddy Baguilat Jr., tumakbong senador ngayong 2022, nang pumutok ang balitang mag-aaral ng Public Administration si Senador Raffy Tulfo. 

Saad niya, Dahil nakapag-aral naman na sila ng Public Administration ay kailangan naman nila daw nila magpasikat o mag-artista para umano manalo. 

"Good that sina Sen. Raffy and Sen. Robin e mag-aaral ng public ad para sa Senado. Kami naman na dati nag-aral sa government e kailangan naman magpasikat o mag-artista. Charot. Hehe," ani Baguilat nitong Biyernes, Mayo 20.  

Matatandaan na tumakbong senador ngayong eleksyon 2022 si Baguilat sa ilalim ng senatorial slate ng Leni-Kiko tandem.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/TeddyBaguilatJr/status/1527447218193518592

Sa panayam ni Tulfo sa CNN Philippines, sinabi niya na mag-aaral siya ng Public Administration para mas matuto raw siya.

"I know what I'm doing kasi meron akong karanasan sa mga batas na ipapasa ko. However, I still need to learn. It's a learning process. I still need to study kaya nga mag-aaral ko," anang senator-elect.

Samantala, ibinahagi ni senator-elect Robin Padilla noong Mayo 13 na si Salvador Panelo ang kaniyang magiginglegislative consultant, adviser, at mentor pagdating sa Senado.

“Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa senado. Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution,” saad ni Padilla sa kaniyang Facebook post.

“Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado. Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon,” dagdag pa niya.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/05/13/robin-padilla-gagawing-legislative-consultant-adviser-at-mentor-si-salvador-panelo/" target="_blank">https://balita.net.ph/2022/05/13/robin-padilla-gagawing-legislative-consultant-adviser-at-mentor-si-salvador-panelo/

Noong Miyerkules, Mayo 18, iprinoklama na ang 12 senador na nanalo sa eleksyon 2022. Kabilang dito ang nangunang si Padilla at si Tulfo na nasa ikatlong puwesto.