Good news para sa mga Pinoy travelers na naunsyami ang South Korea travel plans noong nakalipas na dalawang taon.

Sa anunsyo ng embahada ng South Korea sa Pilipinas, magbubukas na ang bansa sa mga Pinoy travelers simula Hunyo 1.

Magpapatuloy na rin ang application at issuance ng lahat ng uri ng visa kabilang ang tourist visa (C-3-9).

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Ang ilang entry visa na naisyu noong Abril 2020 na hindi pa napapaso ay maaari ring gamitin nang hindi nag-a-apply ng panibagong visa.

Ilang COVID-19 protocols naman ang paiiralin kabilang ang pagpi-presenta ng negative PCR certificate bukod sa iba pa.

Ang dagdag na detalye ay mababasa sa website ng embahada.