Makakakuha na ng diskuwento ang mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa mga online transactions.
Ayon sa pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI), naglabas ng joint memorandum circular ang ilang ahensya ng gobyerno na nag-aatas na mabigyan ng 20 percent discount ang mga senior citizen at PWDs, bukod pa ang karagdagang walong porsyentong value-added tax (VAT) exemption para sa mga transaksyon online, tawag sa telepono at mobile applications.
Saklaw din ng diskuwento ang teleconsultations, digital bookings ng land transport, sea at air travel services, at online payments sa mga hotels at restaurant reservations.
Sakop din nito ang ilang piling produkto, kabilang ang kape, asukal, bigas, mantika, sabong panlaba at prescribed medication.
Pinayuhan din ng DTI ang mga ito na i-upload o ipakita lamang ang kanilang senior citizen o PWD IDs online bago isagawa ang pagbili.