Inihahanda na Philippine National Police (PNP) ang mga tauhang ipakakalat sa proklamasyon nina presumptive president Ferdinand Marcos, Jr. at presumptive vice president Sara Duterte-Carpio.
Paliwanag ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon nitong Biyernes, patuloy ang isinasagawa nilang pagbabantay sa inaasahang protesta dahil sa pagpapalit ng administrasyon.
"It's still the election period, and we have a lot to do. The PNP will continue its monitoring, intelligence gathering, and other police functions to ensure a seamless and peaceful transition of power on June 30," sabi ng heneral.
Inaasahang maiproklama si Marcos sa susunod na linggo ilang linggo matapos makahablot ng botong mahigit sa 31 milyon laban sa katunggaling si Vice President Leni Robredo na nakakuha lang ng mahigit sa 14 milyon.
Kaugnay nito, pinahalagahan naman ng heneral ang mga pulis na nagbantay sa isinagawang canvassing of ballots at proklamasyon ng 12 nanalong senador kamakailan.
PNA