Muli na namang umani ng atensyon sa South Korea si Asia’s Phoenix Morisette Amon kasunod ng sarili nitong digital billboard sa Namdeumun District sa Seoul, South Korea.
Ito’y matapos maging most-voted artist ni Morisette sa Idolpick sa loob ng dalawang linggo.
Ang Idolpick ay isang voting platform para sa fans ng ilang artists para magkaroon ng exposure sa South Korea sa pamamagitan ng libreng digital advertisements sa mga terminal, at billboard sa ilang pangunahing distrito sa iba’t ibang bahagi sa kabisera ng bansa.
Sa kabuuang boto na 20,596, nasungkit ni Morissette ang mga nabanggit na reward. Pumangalawa sa botohan ang Pinoy pop P-pop kings SB19 SA botong 7,172.
Matatandaang una nang nagkaroon ng parehong oportunidad ang SB19 noong 2021.
Nagpasalamat naman ang Kapamilya singer sa kanyang fans na naging daan para maging posible ang kanyang muling South Korea exposure. Hindi na bagong pangalan si Morissette sa bansa dahil sa kanyang iconic Asia's Song Festival performances noong 2017 at 2018.
“From Manila to New York to... Seoul!!! 안녕하세요 🇰🇷 What a surprise! cheers to all my sweeties @solidmowienatics for voting for me on #IdolPick and gaining us a spot on the Namdaemun District billboard!! thank you guys, ang aga naman po ng pa-birthdaaaay 🎈🙌🏼💞.”
Samantala, nakatakdang ipagdiwang ni Morissette ang kanyang ika-26 na kaarawan sa darating na Hunyo 2.