Wala pang naitatalang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pahayag ng DOH nitong Biyernes, Mayo 20, ang monkeypox virus ay naihahawa sa pamamagitan ng mga sugat, bodily fluids, katulad ng dugo, laway, uhog, ihi at iba mula sa mga tao, hayop o contaminated material.

Nilinaw ng ahensya na kabilang sa mga sintomas nito ang pagkakaroon ng lagnat, pantal at kulani.

Pinaiigting na ng ahensya ang pagsasagawa ng border screening, bukod pa sa ipinatutupad na surveillance system upang mabantayan ang sitwasyon.

Nanawagan din ang DOH na ipairal pa rin ang minimum public health standards upang ang paglaganap ng naturang virus.

"Wear your best-fitted mask, ensure good airflow, keep hands clean, and keep physical distance. These also protect us against COVID-19," banggit ng ahensya.

Matatandaang nadiskubre ang monkeypox virus sa United States, Canada, UK at sa ilang bansa sa Europa.