Nasungkit ng mag-asawa mula sa western England ang tumataginting na jackpot prize na 184 million sterling pounds o halos ₱12 bilyon sa EuroMillions draw noong Mayo 10, 2022.

https://twitter.com/UK_EuroMillions/status/1524375078322032640

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ayon sa ulat ng Agence-France-Presse, napakalaking bagay sa mag-asawang sina Joe at Jess Thwaite mula sa Gloucester ang pagkapanalo nila ng£184,262,899 o halos₱12 bilyon kung icoconvert sa Philippine peso.

"It was amazing but also surreal," ani Joe sa isang press conference kasama ang kaniyang asawa.

"I looked at the amount. I put the phone down and I picked the phone up again and I looked at the amount again!" dagdag pa niya.

Si Joe ay isang communication sales engineer habang si Jess naman ay nagpapatakbo ng isang salon kasama ang kaniyang ina at kapatid na babae.

"This is an amazing thing that's happened to us, and this means it's an amazing thing that's happened to our family and we want to share that with them," ani Jess.

"Even though it's wonderful and exciting, it's also a massive relief for everybody that's been struggling with all their bills.We're like every normal family... So it's just a huge relief," dagdag pa niya.

Ang mag-asawang Thwaite ay pangalawa sa may pinakamalaking napanalunan sa kasaysayan ng EuroMillions na nilalaro sa siyam na bansa sa Europa.

Noong Oktubre 2021, napanalunan ng isang babae mula sa Pacific Island ng Tahiti ang pinakamalaking jackpot na€220 million.

Samantala, marahil marami ang nagtataka kung bakit isinapubliko ang pangalan ng mga nanalo.

Sa UK, may karapatan ang mga lottery winners na manatiling anonymous. Sa katunayan, marami na rin ang nanalo ng mga malalaking jackpot prize ngunit pinili nilang hindi isapubliko.

Para sa mag-asawang Thwaite, isinapubliko nila ang kanilang pagkapanalo dahil ayaw nilang itago ito sa kanilang mga mahal sa buhay.