Tumaas na ang lebel ng tubig sa Angat Dam matapos ang ilang araw na pag-ulan.
Ito ang isinapubliko ni National Water Resources Board (NWRB) executive director Dr. Sevillo David, Jr. saLaging Handa public briefing nitong Biyernes.
Aniya, umabot na sa 193 meters ang lebel ng tubig nito kaya bumagal na ang pagbaba ng imbak nito.
Dahil dito, kumpiyansa si David na may sapat na suplay ng tubig ang Metro Manila na 90 porsyento ng pangangailangan nito ay mula sa naturang water reservoir.
Sa kabila nito, nanawagan pa rin si David sa publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig upang makatulong na mapanatili ang matatag na suplay nito.
Inaasahan naman ni David na makarerekoberang Angat Dam bago matapos ang taon at posibleng umabot sa 210 meters ang water level nito dahil sa LaNiña.