Umantig sa maraming netizens ang reunion ni Xian Gaza sa kanyang anak sa Dubai. Isang pagpaparaya naman ang ibinahagi ng online Marites para sa kapakanan ng unang panganay.

Sa pagbabahagi ng dalawang larawan, napa-throwback si Xian sa panahon na kinailangan niyang isuko ang anak dahil sa kanyang naging sitwasyon noong 2017.

“Yung larawan sa kaliwa ay kuha noong 2017, mga panahong lost na lost ako at walang direksyon ang buhay. Bankrupt din ako that time at hindi nakapagsustento for 17 consecutive months. I need to let go of my son upang hindi siya madamay sa aking pagbagsak at paghihirap,” matapang na pagbabahagi ng online personality.

Viral din ngayon sa Facebook ang reunion ni Xian sa anak kung saan isang mahigpit na yakap ang tugon ng mag-ama sa isa’t-isa.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Sa kabila ng karangyaang tinatamasa ngayon ni Xian, kaya na niya aniya na maging makasarili at kunin ang anak sa puder ng ina nito.

“Five years later, multimilyonaryo na ako. Maaari ko nang kunin ang custody niya mula sa kanyang ina. Kahit wala akong hilig sa bata eh afford na afford kong kumuha ng dalawang yaya at sarili niyang sasakyan with personal driver. Kaya kong ibigay sa kanya ang komportableng buhay bilang isang R.K. o anak-mayaman,” ani Xian.

“Pero bakit hindi ko yun ginagawa? Kasi hindi ko siya kayang bigyan ng isang buong pamilya. One happy family na sila ng Mommy niya, stepdad niya at half-sister niya eh. Ayaw kong ipagkait yun sa anak ko. That's something na hindi kayang tumbasan ng pera,” dagdag ng ama.

Habang naniniwala si Xian na kayang bilhin ng pera ang kasiyahan pero hindi pa rin aniya sapat ito para mabili ang isang kumpletong pamilya.

“Mabuti pa na ako na lang ang magsakripisyo at malayo sa kanya upang lumaki siya nang maayos na may buong pamilya. Ang role ko ay magpayaman ng husto at ilatag ang kanyang napakagandang kinabukasan,” saad ng ama.

Umabot na sa higit 80,000 reactions ang nasabing post na ikinatuwa at ikinaantig ng malalapit na kaibigan ni Xian gayundin ng libu-libong netizens.