Isa na lang ang naka-admit na pasyenteng tinamaan ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa Lung Center of the Philippines (LCP) sa Quezon City.

Ito ang inilahad ni LCP spokesperson Dr. Norberto Francisco sa isang panayam, nitong Biyernes. “Actually, for the whole month of May, generally po, zero COVID cases. Kahit after the week nung eleksyon po, zero. 'Yung buong linggo ng eleksyon zero. Ngayon kung magkakaroon man kami, paminsan-minsan nagkakaroon. Paisa-isa, dalawa, marami na po 'yung 3,” aniya.

Kahit aniya inanunsyo na ng Department of Health (DOH) ang local transmission ng Omicron sub-variant BA.2.12.1 ay madalang pa rin ang kanilang pasyenteng tinamaan ng virus.

Nilinaw ni Francisco na kahit ngayong buwan, bihira na lamang ang na-a-admit nilang pasyenteng nahawaan ng Covid-19 kahit naitala na ng gobyerno ang sub-variant ng Omicron sa bansa.

National

ALAMIN: Mga paunang lunas para sa sugat na dulot ng paputok

Ipinaliwanag niya na ang nag-iisa nilang pasyente ay nasa intensive care unit at naka-high flow oxygen cannula.

Bakunado na aniya ang pasyente, gayunman, nahawaan pa rin ito ng virus.

“So that means to say, hindi ho talaga tayo safe sa lahat. Maaari pa rin tayo madale.Kasi, kaya ko po sinasabi ‘to, marami tayong naririnig na nagkakaroon ng mga COVID in isolated areas hindi ho ba? Eh ito pagka, aking obserbasyon, 'yung mga nagkaka-COVID po aynanggagalingdoon sa mga lugar na 'yung mga tao, ayaw magsuot ng mask,” anito.

"This is not to overemphasize, kailangan po natin talaga i-maintain 'yung ating health protocols,” pagbibigay-diin pa ni Francisco.