COTABATO - Kumilos na ang Kidapawan City government upang matulungan ang mga residenteng tinamaan ng dengue.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni Mayor Joseph Evangelista, naglaan na ng pondo ang pamahalaang lungsod para sa mga pasyenteng nakaratay pa rin sa mga ospital dahil sa dengue.

"Isang problema ho natin natatakot ho ang tao, ayaw magpaospital dahil sa bayarin. Naglagay tayo ng financial assistance package para sa dengue cases," sabi ng alkalde.

Aniya, mula₱15,000 hanggang₱20,000 ang maaaring makuha ng mga severe cases ng dengue upang matulungan ang pamilya ng mga ito sa gastusin sa ospital.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Binanggit nito na nagsagawa na rin ng cleanup drive at defogging ang mga awtoridad sa high-risk areas sa lungsod, kabilang na ang mga paaralan dahil bumalik na sa face-to-face classes ang mga estudyante.

"Habang naglilinis po, nagte-testing, screening po tayo. Libre ho 'yung dengue screening natin," dagdag pa ni Evangelista.