Nakabalik na sa kani-kanilang bansa ang 11 dayuhang nahawaan ng Omicron sub-variant BA.2.12.1 sa Puerto Puerto City, Palawan kamakailan.
Kinumpirma ni Puerto Princesa City-Incident Management Team chief Dr. Dean Palanca, na ang mga nasabing dayuhan ay nakalabas na ng bansa nitong unang linggo ng Mayo.
"Sila ay na-discharge na po natin at lahat sila ay umuwi na sa kanilang countries," pagbibigay-diin nito.
Aniya, nakaranas lang ng mild symptoms ang 11 na banyaga.
Matatandaangisinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong nakaraang linggo na 11 na turista at isang Pinoy ang tinamaan ng sakit sa nasabing lungsod noong Abril 29.
"Kaya nga po parati naming sinasabi na wala po ditong dapat ipangamba kung may mga turista o travelers na papasok ng Puerto Princesa, kasi wala naman pong sinasabi nating nagkahawaan dito mismo sa kalupaan ng Puerto Princesa," pahayagnito.
Sinabi pa nito na ang lahat ng nakasalamuha ng mga nahawaang turista ay negatibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).