Tinalakan ni Dr. Tricia Robredo, anak ni Vice President Leni Robredo, ang netizens nitong Miyerkules ng gabi dahil sa poser niyang nagkomento ng isang 'joke' sa mismong livestream ng graduation ng kaniyang kapatid na si Jillian-- bagay na hindi niya ikinatuwa.

"I’m not sure what bothers me more: being impersonated on the comments section of the livestream of my sister’s graduation or people thinking that this is something to joke about," ani Tricia sa kaniyang tweet nitong Miyerkules, Mayo 18.

"Hindi nakakatawa at hindi nakakatuwa. Pakiusap – please stop," dagdag pa niya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

https://twitter.com/jpgrobredo/status/1526929198450892804

Ang mistulang 'joke' ay tungkol sa umano'y 'dark humor' ng ilang mga netizens tungkol sa nutribun na sinasabing nauugnay sa Martial Law noong panahon ng diktadurya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

"Aiks, gusto mo bang maging nutribun tayo? (sad face)," komento ng poser ni Tricia sa comment section ng livestream ng graduation ng kapatid niya sa YouTube.

screenshot mula sa Twitter

"You’re concerned about historical revisionism but you joke about nutribun and red-tagging, as if these are things to be taken lightly," pasaring ni Tricia sa hiwalay na tweet.

"I will never reduce the atrocities of Martial Law for clout and entertainment. Neither should you," dagdag pa niya.

https://twitter.com/jpgrobredo/status/1526940521532465154

Samantala, hindi sila Tricia ang mayroong poser kung hindi maging ang kaniyang kapatid na si Aika.

"I do not talk like this. Nor do I post messages like this on public livestreams. Please stop," tweet ni Aika.

https://twitter.com/aikarobredo/status/1526932082315956224

Kasalukuyang nasa Amerika ang Pamilya Robredo dahil sa pagtatapos ni Jillian sa New York University.