Nagpasya na si Senator Robin Padilla na tumigil na sa showbiz at tututok na lamang sa trabaho sa Senado.

Paglilinaw nito, tatapusin na lamang niya ang ginagawang pelikulang may kinalaman sa Marawi.

"Last movie ko na 'yan, kailangan lang tapusin pero after that, trabaho na lang sa Senado, matitira lang public service ko sa radyo," pahayag ng aktor sa isang television interview nitong Miyerkules ng gabi.

Si Padilla ay kabilang sa 12 na senador na iprinoklama ng National Board of Canvassers nitong Mayo 18.

Hindi kasama ni Padilla ang asawang si Mariel Rodriguez na nasa Spain, kasama ang mga anak.

“Sa aking ina, salamat binasbasan niya ako, siya ang buhay ko; dapat kasama ako ni Mariel sa Spain pero, 'di pwede, ang laki ng hirap ni Mariel sa akin," dugtong ng aktor.

"Constitutional reform, defense and security, gusto ko 'yan, hindi lang bilang committee member, kung 'di chairman," pahabol pa ni Padilla nang tanungin kung anu-anong komite ang nais na pamunuan nito.