Makahulugan ang Facebook post ng Political Science professor sa University of the Philippines na si Prof. Clarita Carlos, matapos niyang sabihing nakararanas uman o siya ng 'cancel culture' sa mismong ka-department niya, na tinawag niyang 'cretins'.
Ang cretin, batay sa Oxford Dictionary, ay nangangahulugang 'stupid, vulgar, o insensitive person'.
Ayon kay Prof. Carlos, sa halos 56 taong pagtuturo niya, ngayon lamang siya nakaranas na ma-cancel. Mukhang hindi naman nababahala ang propesora dito.
"After 56 years as pol sci professor, some cretins in my department now want to 'cancel' me… really? Bring it on!" saad ng propesor na sumikat sa SMNI debates bilang isa sa mga panelista.
Sa sumunod na Facebook post, sinabi naman niya "Neither holy nor saintly, when unjustly and maliciously maligned, I don't get mad… I summon the KARMIC energy of the universe…"
Hindi naman tinukoy ng propesora kung sino-sino sa mga ka-department niya ang nangka-cancel sa kaniya. Hindi rin niya nabanggit ang dahilan ng mga ito.