Ibinasura ng hukuman ang petisyon ni convicted retired Maj. Gen. Jovito Palparan na buksan muli ang kaso nitong kidnapping para sa hiling na plea bargaining.

Sa ruling ni Bulacan Regional Trial Court Branch 19 JudgeFrancisco Felizmenio, walang sapat na merito ang petisyon ni Palparan upang buksan sana ang kaso nito.

Sa ilalim ng nabanggit na court procedure, aaminin ng akusado ang krimen para sa magaan na pagkakasala upang mapagaan ang parusa nito.

Nahaharap sa Palparan sa kasong kidnapping with serious illegal detention (2 counts) kaugnay ng pagdukot at iligal na pagpigil sa magkapatid na Reynaldo at Raymund Manalo.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Ang naturang kaso laban kay Palparan ay "submitted for decision" na sala ni Felizmenio.

“In these cases, it is indubitable that the accused was not able to secure the consent of the prosecution and the private complainants. This is evident by the mere filing of the Comment/Opposition and the private complainants signatures appearing thereon” banggit ng hukom.

Nilinaw pa ni Felizmenio na iniharap ang petisyon pagkatapos maghain ng mga ebidensya ang prosekusyon at panig ng depensa.

Karaniwan aniyangisinasampa ang plea bargaining sa pag-uumpisa pa lamang ng paglilitis.

Sa rekord ng kaso, si Raymond ay isa sa mga testigo sa pagdukot sa dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sinaSherlyn Cadapan at Karen Empeño noong 2006.

Positibong kinilala ni Raymond si Palparan na dumukot sa dalawang estudyante. Nahatulang makulong si Palparan noong 2018.