Nasa kustodiya pa rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mlang, Cotabato ang dalawang menor de edad na suspek na pumatay sa Maguad siblings noong nakaraang taon at hihintayin ang mga ito na tumuntong sa 'legal age' upang sila ay tuluyan ng makulong. 

Sa ulat ng Newsline Philippines noong Mayo 17, inilabas ni Presiding Judge Alandrex M. Betoya sa Regional Trial Court (RTC)  Branch 16 sa Kabacan, North Cotabato ang desisyon tungkol sa dalawang menor de edad na suspek na pumatay sa magkapatid na sina Crizzle Gwynn at Crizvlle Louis Maguad na pareho ring menor de edad. 

Ang suspek na si "Janice" at ang lalaking kasama nito na pumatay sa magkapatid ay hahatulan ng kasong murder at posibleng makulong si "Janice" ng 31 taon at apat na buwan habang ang kasama niya ay makukulong ng 29 na taon.

Ayon pa sa RTC, hindi puwedeng patawarin ang sinumang menor de edad na napatunayang kriminal.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa ng DSWD ang dalawang menor de edad na suspek at hihintayin ang mga ito na tumuntong sa legal age upang sila ay makulong. 

Sa Republic Act No. 9344 o ang Juvenile Justice and Welfare Act section 38, kung ang isang bata ay nakagawa ng krimen at wala pa ito sa 18-anyos, ayon dito, "the court shall determine and as certain any civil liability which may have resulted from the offense committed."

At dahil under 18 ang mga suspek, kinokonsidera sila bilang "child in conflict with the law under suspended sentence." Hindi sila puwede pang ipasok sa presinto kaya naman mananatili muna sila sa DSWD. 

Matatandaang pinatay ang Maguad siblings noong Disyembre 10, 2021 sa loob mismo ng kanilang bahay.

Basahin: https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/12/16/dahil-sa-selos-at-inggit-pumatay-sa-maguad-siblings-adopted-daughter-ng-pamilya/