Naglabas ng iwas-aksidente tips ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang balaan ang publiko, lalo na ang mga motorista ngayong panahon ng tag-ulan.

Ayon sa MMDA, dapat na mas maging alerto at mapagmatyag sa kondisyon ng kalsada at iba pang motorista para makaiwas sa aksidenteng dala ng masamang panahon.

Sinabi ng ahensya, posibleng maging madulas ang daan kaya kailangan ng ibayong-ingat sa pagmamaneho.

Paalala pa ng ahensya, bago bumiyahe, i-check ang gulong, ilaw, windshield, at brakes.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Gamitin din ang mga headlights ng sasakyan upang makatulong sa visibility, lalo na kung malakas ang buhos ng ulan.