Taos-pusong nagpasalamat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga miyembro ng Filipino-Chinese community dahil sa pagbibigay sa lungsod ng panibagong Instagrammable spot.

Si Domagoso ay sinamahan ni Manila Vice Mayor-elect Yul Servo, nang pangunahan ang inagurasyon at pag-unveil ng marker, gayundin sa turnover ceremony ng China-Philippines Friendship Park North and South viewing platforms. 

Ang naturang okasyon ay dinaluhan rin ni Chinese Ambassador to the Philippines na si H.E. Huan Xilian.

Ang platform, na nakaharap sa Pasig River, ay malapit sa hulihang bahagi ng  kababagong pasinayang tulay na nag-uugnay sa Binondo sa Intramuros.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Pinasalamatan ng alkalde ang mga miyembro ng Chinese-Filipino organizations na tumugon sa kanyang unang panawagan na magkaroon ng view deck sa nasabing lugar upang magkaroon ng magandang view at appreciation ang publiko sa ganda ng bagong Binondo-Intramuros Friendship Bridge.

“Sabi ko, mukhang maganda ang bridge na lagyan ng viewing deck so that the passersby will continue to appreciate the beauty of the bridge.  May bago na naman kayong (Instagrammable) spot,” sabi ni Domagoso.

Ayon sa alkalde, ang nasabing tulay at biew deck ay testamento ng patuloy na magandang relasyon sa pagitan ng ng  Pilipinas at ng China.

“May this be a symbol of continuing friendship and to our fellow Chinese-Filipinos who continue to stay and who returned to the city, let me assure you that no harm will come to you,” sabi niya.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Moreno sa lahat ng nag-invest at nagtiwala sa kanyang administrasyon.

Matatandaan na noong manungkulan si Domagoso bilang alkalde ng Maynila noong 2019 ay nanawagan siya na bigyan ng panibagong pagkakataon ang Maynila dahil nagkaroon sila ng hindi magandang karanasan bago pa ang kanyang termino. 

“Thank you for giving us another chance to rebuild and for believing in me. I hope we did not fail you,” sabi ni Domagoso.