Muling nagsalita ang direktor ng VinCentiments na si Darryl Yap tungkol sa nasabi ng batikang screenwriter na si Suzette Doctolero na inalok na raw ito ng administrasyon ni presumptive President Bongbong Marcos Jr. na maging chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na kasalukuyang pinamumunuan ni Liza Diño.
Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/16/darryl-yap-inalok-na-raw-ng-incoming-marcos-admin-bilang-chairperson-ng-fdcp/">https://balita.net.ph/2022/05/16/darryl-yap-inalok-na-raw-ng-incoming-marcos-admin-bilang-chairperson-ng-fdcp/
Ibinahagi rin ni Darryl ang screengrab ng social media post ng isang basher na kumukuwestyon sa kaniyang kakayahan at tila pinagtataasan siya ng kilay, sa kaniyang Facebook post ngayong Mayo 19.
"Ask ko lang if nanalo na ba ng kahit anong award si Darryl Yap na legit honorable at nagbibigay honor sa bansa at sa industriya ng pelikulang Pilipino. 'Magaling' daw kasi siya eh," saad ng basher.
Pinabulaanan naman ng direktor ang tungkol sa isyu ng pag-alok sa kaniyang maging chairperson ng FDCP.
"Ilang beses ko na pong sinabing walang saysay ang takot, inggit at taranta ng iilan—"
"Hindi po totoong papunta ako sa FDCP."
"Nakarating sa akin itong post na ito, hinahanapan ako ng 'awards' na para bang ito ang sukatan ng pagkatao o husay ng isang direktor, na para bang dapat makumbinsi ko sila na magaling ako, kahit di ko naman (ni minsan) sinabi. Para bang kailangan ko silang mapaniwala—bakit? Maniwala man sila o hindi? ano’ng mapapala ko?"
Sa puntong ito ay ibinahagi ni Darryl ang ilan sa mga detalye noong nag-aaral pa lamang siya.
"Well, anybody who knows me on a personal level can tell you how competitive I was since highschool. Naging presidente ako ng student council. Naging national champion sa extemporaneous speech contest. At consistent champ sa mga interschool journo at speech choir contests."
"I grew up believing that the awards and the trophies are the ultimate measurement of success, of greatness."
"So when I ventured into film, I went to compete and won several awards in regional filmmaking festivals."
"Next thing I knew, I was obsessing over it."
"But not for long."
"Simula nang maexpose ako sa loob ng industriya, I realized there's more to filmmaking than eyeing for critical approval. After all, kaya nga 'industriya' ang tawag sa mundong ginagalawan ko ngayon eh dahil sa 'economic activity' at sa capitalist reality na kaakibat nito. It's a matter of striking a balance between artistry and industry. Pero sa ngayon, my motivations are slightly inclined to the money-making aspects of the trade."
"The awards can wait."
"Hindi yan ang be-all and end-all of filmmaking—o ng kahit anong larangan."
"And we all know na may politika rin sa sirkulo ng mga gawad-parangal na ito. Some of them can be bought, some of them are exclusive to their inner circle of like-minded peers, some of them are given out to the most obscure and least entertaining entries, some of them are plain pretentious but hey! I am not here to invalidate award-giving bodies."
"Meron pa rin namang mga legit. But to discredit and belittle people in the industry just because they haven't won (or are yet to win) any of these 'highly subjective' recognitions is outright foolish."
"They keep on calling my works problematic, obnoxious etc. But I sell. I make tons of money."
Kilala raw ni Darryl ang kaniyang audience.
"I know my audience very well. I am one of the most-sought after content creators. At higit sa lahat, nakakapagpanalo ako ng mga kandidato."
"On the other hand, itong magagaling kuno can't seem to get their heads around the fact that personal taste can't be imposed. Kaya di kayo bumebenta eh dahil sa intellectual pretenses n'yo, at iyan ang nagreflect sa kandidato n'yo. Because you consistently refuse to reach out to a bigger audience. Nakuntento kayo sa sense of approval that you get inside your bubbles, your echo chambers."
"Nawili kayo sa pagtapik sa balikat ng isa't isa while actively cancelling those who go the other way."
"Marami akong naisulat na may malalaking tyansa para sa mga parangal o padeep na awards, yung regional awards ko nga from my past shortfilms galing din sa NCCA at FDCP… pero wala doon ang tingin ko sa ngayon. naniniwala ako, na kapag napagtagumpayan ko na ang 'INDUSTRY' part; mas madali na kong magfofocus sa 'ARTISTRY'.
"Ang post na ito ay hindi lamang tugon kay Camille Villanueva, kundi isang pahayag para sa mga taong hindi nasukat ng grades, medals, trophies at sertipiko ang kanilang mga tagumpay sa buhay. Pagtuunan po natin ng pansin ang sarili nating pag-angat para hindi po tayo laging nangangamba kung sino ang nasa taas natin. Salamat."