Simula Mayo 22, ipatutupad na ang dagdag na singil sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX R-1), ayon sa pahayag ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ng kumpanya na hindi nila itinuloy ang implementasyon sana ng toll increase nitong Mayo 12upang mabigyan ng sapat na oras ang mga driver at operator ng PUVs (public utility vehicles) na makapagpatalasa toll reprieve program nito.

Paliwanag ng CIC, pinahihintulutan ng toll reprieve program ang mga driver at operator ng PUVs na bayaran pa rin ang lumang toll rates na₱25 para sa Class 1 vehicles at₱50 para sa Class 2.

Binanggit na tatagal ang programa ng tatlong buwan simula Mayo 22.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Kapag nasimulan na ang pagpapatupad ng bagong toll rate, ang mga sasakyang gagamitng CAVITEX (R1) segment)-Parañaque Toll Plaza ay sisingilin ang₱33 para sa Class 1,₱67 sa Class 2 at₱100 sa Class 3

Kabilang naman sa panibagong rate ang 2011 at 2014 periodic toll petition pati na ang add-on toll petition para sa mga ipinagawa sa expressway, katulad ng bridge lane at road widening.

Bella Gamotea