Binati ni presumptive President Bongbong Marcos, Jr. ang 12 nanalong mambabatas ngayong eleksyon 2022.

"Mabuhay ang ating mga bagong mambabatas sa Senado!" saad ni Marcos sa kaniyang social media accounts.

"Higit kailanman, kinakailangan ng ating bansa ang inyong pagseserbisyo at karunungan para sa ating patuloy na pagbangon at pag-unlad. Congratulations!" dagdag pa niya.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Opisyal nang iprinoklama ang mga bagong senador noong Miyerkules, Mayo 18, sa Philippine International Convention Center (PICC) Forum Tent.

Ang mga bagong senador na maglilingkod sa susunod na anim na taon ay sina Robin Padilla (26,612,434 na boto); Loren Legarda (24,264,969 na boto); Raffy Tulfo (23,396,954 na boto); Win Gatchalian (20,602,655 boto); Chiz Escudero (20,271,458 boto); Mark Villar (19,475,592 boto); Allan Peter Cayetano (19,295,314 na boto); Migz Zubiri (18,734,336 na boto); Joel Villanueva (18,486,034 na boto); JV Ejercito (15,841,858 boto); Risa Hontiveros (15,420,807 boto) at ang huli ay si Jinggoy Estrada (15,108,625 na boto).

Binati rin ngMalacañangang 12 na senador kung saan kumpiyansa si acting spokesman Communications Secretary Martin Andanar may inaasahang pag-asa ang taumbayan sa pagkakahalal ng mga bagong miyembro ng Senado.

“It is now time to move forward after a divisive election campaign and begin the daunting task of speeding up our economic recovery affected by the COVID-19 pandemic,” paliwanag pa ni Andanar.