Sa halip na ikahiya ay ibinida pa ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang stretch marks sa kaniyang dibdib, sa kaniyang Instagram post kahapon, Mayo 18.

"Ya i know, it’s normal," caption ni Barbie.

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

Naging positibo naman ang mga naging reaksiyon at komento rito ng mga netizen at kasamahan sa showbiz gaya nina Chie Filomeno Elisse Joson, Maggie Ford (kapatid ni Daniel Padilla at bestfriend niya), at Tony Labrusca.

Ngunit ang mas kinakiligan dito ay ang lambingan nila ni Tony.

"Who else you gonna call huh? Hahaha," saad sa komento ni Tony.

"@tony.labrusca hahaha you too, ily!" tugon naman ni Barbie.

Nagkomento naman dito ang mga netizen.

"@tony.labrusca bagay po kayo ni Ms. Barbie…"

"Bagay as a friend."

"@msbarbieimperial 'wag mong landiin si Tony Labrusca di kayo pwede!"

Samantala, sa kasalukuyan ay parehong single sina Barbie at Tony. Si Tony ay balik na ulit sa paggawa ng mga proyekto matapos maabswelto sa kasong 'act of lasciviousness' na isinampa laban sa kaniya.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/05/tony-labrusca-masaya-matapos-maabsuwelto-sa-kasong-acts-of-lasciviousness-mabuti-akong-tao/">https://balita.net.ph/2022/05/05/tony-labrusca-masaya-matapos-maabsuwelto-sa-kasong-acts-of-lasciviousness-mabuti-akong-tao/

Si Barbie naman, nilinaw na ang tungkol sa viral photo nila ni Xian Lim na nasa isang hotel sa Mati, Davao Oriental.

Basahin: https://balita.net.ph/2022/05/19/barbie-xian-nagpaliwanag-na-tungkol-sa-inintrigang-viral-photo-na-magkasama-sila-sa-isang-hotel/">https://balita.net.ph/2022/05/19/barbie-xian-nagpaliwanag-na-tungkol-sa-inintrigang-viral-photo-na-magkasama-sila-sa-isang-hotel/