Nagbabala ang isang infectious disease expert na asahan na ang pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa mga lugar na mababa ang vaccination rate.
Pinagbatayan ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert panel ng gobyerno, ang pagkakadagdag ng tatlo pang kaso ng Omicron sub-variant BA.2.12.1 na naitala sa Western Visayas kamakailan.
Sa ngayon, umabot na sa 17 ang kabuuang kaso ng sub-variant BA.2.12.1 sa bansa.
Madaling hawaan aniya ng nabanggit na sakit ang nasa vulnerable sector na hindi pa bakunado, katulad ng matatanda, immunocompromised at healthcare workers.
"Ang expectation natin, tataas ang kaso especially (in) those areas na mababa ang vaccination rate. Importante dito, alam natin ang variant or sublineage na 'to ay napakataas ang transmissibility," paglalaghad ni Solante sa isang pulong balitaan.
"There’s a possibility, malaki ang possibility na tumaas ang kaso, but I don't think it will be enough to affect our hospitalization rate," sabi ni Solante.
Asahan na rin aniya ang pagtaas ng bilang ng kaso sa Metro Manila dahil makapal ang populasyon nito.
Inihalimbawa rin ni Solante ang tinatawag na "superspreader events" sa panahon ng eleksyon.
"Tinitingnan natin 'yung uptick ng cases beginning 2nd week after the election especially 'yung pagpasok ng sublineage BA.2.12.1.Until June 'yan kung merongpagtataasng kaso. If there is community transmission, tataas ang kaso because of the highly transmissible sublineage BA.2.12.1," sabi pa ni Solante.