Limang pinaghihinalaang miyembro ng New People's Army (NPA) na nag-o-operate sa Sultan kudarat ang sumuko sa militar sa Maguindanao kamakailan.

Kusang sumuko ang mga ito sa 57th Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) sa Barangay Mirab, Upi nitong Miyerkules, Mayo 18, ayon sa militar.

Sa pahayag ng isa sa mga rebelde, napilitan silang magbalik-loob dahil sa kawalan ng pag-asa sa kanilang ipinaglalaban sa pamahalaan.

Isinuko rin ng mga ito ang mga armas na kinabibilangan ng isang sniper rifle, isang Garand rifle, at isang 12-gauge shotgun.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Isinuplong din ng limang rebelde ang pinagtataguan nila ng iba pang armas, katulad ng isang M60 machine gun at tatlong  M16 rifles sa liblib na lugar ng Lebak, isa sa mga bayan sa naturang lalawigan.

Idinagdag pa sa ulat, ang grupo ng mga rebelde ay pawang kaanib ng Far South Mindanao Region ng NPA.

Nangako naman ang militar na tutulungan nila ang mga ito upang makapagbagong-buhay, kapiling ang kani-kanilang pamilya.