Sinunog ng mga awtoridad ang mahigit sa ₱10 milyong halaga ng tanim na marijuana kasunod ng pagsalakay sa apat na plantasyon nito sa Tinglayan, Kalinga simula Mayo 18 hanggang nitong Huwebes.

Sa report ng Philippine National Police (PNP)-Drug Enforcement Group sa Cordillera Administrative Region (CAR), isinagawa ang sunud-sunod na anti-drug operations sa apat na plantation sites sa Barangay Loccong at Brgy. Ngibat sa Tinglayan simula Miyerkules hanggang nitong Huwebes, Mayo 19. 

Binunot sa isang plantasyon ang 15,000 piraso ng full-grown marijuana plants (FGMPs) nasa 7,500 piraso naman ng tanim na marijuana ang binunot sa ikalawang taniman.

Sa ikatlong plantasyon, binunot ng mga awtoridad ang 27,500 piraso ng FGMPs habang sa ikaapat na lugar ay nadiskubre ang aabot sa 200 piraso ng marijuana plants.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Naiulat na kaagad na sinunog ang mga tanim na marijuana na tinatayang aabot sa ₱10.4 milyon upang hindi na mapakinabangan.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy at mapanagot ang may-ari ng apat na plantation sites.