Tinatayang 26.1 gramo ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng ₱177,480 ang nasamsam sa hiwalay na anti-illegal drugs operations sa Taguig City at Parañaque City, nitong Mayo 19.

Ayon sa report, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Sub Station 4 sa #8067 Pelaez St., Brgy. San Dionisio, Parañaque City, dakong ala-1:00 ng madaling araw ng Huwebes na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek na sina Manuelito Cruz De Leon,alyas Mano, 44; Alvin Jaime Bermudez, 39; at Ma. Luisa Fernandez Mayuga, 42.

Narekober sa tatlong suspek ang 14.1 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang ₱95,880; plastic canister at marked money.

Sa parehong oras at petsa ng operasyon, nadakip sa Road 18 Roldan St., Brgy. New Lower Bicutan, Taguig City, ang suspek na kinilalang si Sorex Katib, alyas “Katib”, 35, na nakumpiskahan ng 12 gramo ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng ₱81,600, buy-bust money at maliit na jewelry box.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Nakakulong ang mga suspek sa operating unit habang itinurn-over naman sa  SPD Forensic Unit ang mga nasamsam na ebidensya para sa chemical analysis.

“Sa pagpapatuloy ng ating kampanya laban sa illegal na droga, makikita natin na meron paring mga indibidwal na hindi humihinto sa kanilang gawain. Asahan ninyo na ang kapulisan ng SPD ay hindi magsasawang hulihin ang mga indibidwal na ito,” ayon kay BGen. Macaraeg.